Hello, blog world and to my lovely readers-- kung meron man. Isang mahabang kwento ulit ang tatalakayin ko sa oras na ito.
Okay, so unang una.. 'Di na po ako nakatira sa father side ko, lumipat na po ako sa mother side ko sa kabila. Well, kung tatanungin niyo kung bakit.. eto po ang mga sumusunod na dahilan: :)
Ayoko na sa putang inang bahay na 'yun. Masyadong maingay.
Dahil kay putang inang ama ko.
Lifeless ang buhay ko 'pag nandoon ako. Kulay gray na nga eh, colorless.
Dahil sa mga kasama kong mga sinto-sinto. Bless you all.
BOOOOOOOORING.
Dahil sa tuwing umaga nalang ay parang may nagaganap na world war 3.it
Parang takot sa tao ang mga kasama ko.
Haunted house-- laging madilim. Nagtitipid ata sa kuryente.
Laging wala si Mama Mely-- CASINO!
Lonely. Walang matinong makausap. -sigh-
Ayaw ng mga classmate ko pumunta sa bahay na 'yun-- nakakatakot daw. Ohmygad.
Bawat gagawin ko mali, 'Pag wala namang ginagawa, mali pa din. :|
Nakakasira ng pag iisip. NAKAKALOKA.
Dahil.. ayoko na talaga.
Kung hindi lang dahil kay Papa Boy na mahal na mahal ko, at kay Lambo-- ang aking munting laptop ay siguro'y unti unti na akong linalason ng kadiliman d'on.
Exaggerated man pero totoo.. Pasensya na Papa Boy at Mama Mely, mukha yatang kahit ako ay nangunguminsyon sa anak niyong si Toti, ang aking ama.
So anyway, dahil nga 'di ko naman dala laptop ko nung lumipat ako, halos 3 weeks kong 'di nakahawak ng keyboard. Oh gosh. Pero magpapakabit kami ng broadband sa bahay namin sa mother side ko kaya malapit lapit na rin akong pwedeng makapag net. Balak pa nga namin magpatayo ng computer shop para itigil na ni lola ang pagtitinda niya ng ulam, wala naman kasing kinikita, at nagkakautang pa. So bale this coming May siguro, paplanuhin na namin.
Nagkaroon kami ng outing, kaming mga Diamond section. Konti nga lang ang sumama kaya 'di gaanong masaya. At eto pa, nakakawala ng mood kasi bigla kong nakita ko si Alwie na kasama, eh 'di ba ang pag kakaalam ko ay nasa U.S siya? How come nandoon siya? Eh eto naman pala, 2 weeks lang daw pala siya dun at umuwi na dito sa Pinas. Takteng 'yan! Sabi niya sa'kin 5 years tapos ayun, 2 weeks lang daw pala? Fuck him. Pinag emote niya pa ako sa chat bago siya umalis. Kung ano anong sinabi ko, pinaiyak niya pa nga ako sa harap ng laptop ko. Oh my god. Kaya naman 'di pa nakakapunta sa EM's Palangue eh naninikip na dibdib ko galit. Idagdag mo pa 'yung pagtawanan nila ako sa suot ko, pang boracay daw. Sabi ko, susyal lang talaga nagsusuot ng ganun. At isa na ako dun! Pero kahit sinabi ko 'yun, naging upset ako sa pakikitungo nila sa'kin. Tagal pa man din naming hindi nagkita tapos.. -sigh- ayun.
But, oh well.. Nung nandun na kami sa resort, okay lang.. as usual parin ang kilos, picture picture, kwentuhan,
kung ano anong kaharutan. 'Di na ako namangha sa resort na yun kasi ilang beses na ako nakarating dun. Tsaka 'di naman kagandahan, tama lang. Kumain muna kami bago sumulong sa pool. Nag hanapan kami ng piso at nag mataya-taya. Di gaanong kamemorable ang outing na 'yun, 'di tulad ng dati. Maaga aga kaming umuwi, bago mag 6 nasa kanya kanyang house na kami. 'Yun lang. :/
Nagbakasyon naman ako sa mga pinsan ko sa kanilang house. 'Dun ako nagkaroon ng gala like, ang papunta punta sa mga malls, swimming sa beach resort, and visit sa Alabang, dun sa Lola ng Tito Mon ko. Enjoy naman though kulang kulang ang excitement kasi puro bata kasama ko.
Noong Sabado naman, nag swimming kami sa Hardin ng Postema kasama ang family ko sa Mother side. Enjoy nong una, pero nung pauwi na nagkaroon ng gulo. Well, ayoko ng imention, hee.
Dami ko pa sanan gustong ikwento kaso, nag iis-strike na naman ang katamaran ko. Well, then bloggers. :)
Namumulubi
Saturday, April 9, 2011 @ 8:33 PM
Eto na ang kinakatakutan ko-- ang bakasyong walang pera. 'Di lang ako, pare-pareho lang kaming mga HS student ng problema. No allowance.
Akala mo ba masaya ang walang ginagawa? Bzzz! WRONG. Nakakatamad na ewan ang feeling ng walang ginagawa. BORING. Ang init sa pakiramdam, nakakabanas, nakakamatay. Bago pa magsimula ang Summer vacation ay pinalano ko ng lahat ng gagawin. Kayang kaya naman eh, kaso sa kabuuan may problema, ang pera. Kung kaya ko lang humingi ng kahit P100 araw araw sa lolo ko, pwede na sana. Kaso, kahit ata P20 eh ipagkakait pa. Sa ama ko naman, kahit barya eh utang na loob ko pa. Ay wag na. Wag nang humingi.
Na-stuck tuloy ako sa laptop ko na puro pag iinternet at Grand Chase ang laman. Ano pa nga ba ang pwede kong gawin? Kaso eto pang mga kasama sa ko bahay na akala ata eh ako lang ang teen ager sa mundo na maghapon sa computer. Hello!? Abnormal nalang ata at mga bisaya sa mundo ang walang interest sa computer. Lahat na ng gawain ngayon kailangan ng computer. Generation na namin 'to no. 'Wag niyo kami itulad sa inyo na pag susungka lang ata ang libangan nung kabataan niyo. Errr.
Pagkakagising ko sa umaga, sigaw agad ni Mama Mely ang maririnig. Kesyo ako daw ay senorita, ako daw ay walang ginagawa, ako daw ay tamad, ako daw ay ganito ganyan. OO NA! Totoo namang lahat, 'di ko na kailangan pang ideny. Pero sana naman, old geezer, 'wag naman sa oras ng pagkakagising ko. Binubulabog niyo ang diwa ko eh. Hindi ako morning people, 10am ako magising kung minsan pa eh tanghalian na, kaya intindihin niyo nalang. Pwede ba? Uma-umaga nalang naninirik na mata ko sa bad trip.
Dalawa sa kaibigan ko ang nasa ibang bansa ngayon. Si Jocelle na nasa Singapore at si Alwie na nasa U.S.
Babalik din si Jocelle dito sa Pinas, bakasyon lang naman ang pinunta niyo don kasama ang family niya. Nakakainggit naman. Buti pa siya maeenjoy niya ang Summer vacation, samantalang ako, eto sa lungga lang namin nag titigil at nagsasayang ng oras. Madami-dami siyang nakwento sa'kin tungkol sa Singapore. Ang ice cream daw dun ay square, halos lahat daw ng tao don ay touch screen ang cellphone, napakabilis daw ng internet at maraaami pang iba. Naisip ko tuloy, bakit kaya ang Pilipinas hindi ganun? Si Alwie naman na nasa U.S, taon pa ata ang balik. 1 year or maybe 5 years. Kung kinakalkal niyo blog ko, malalaman niyo na si Alwie ang pinaka special kong kaibigan. Ewan ko nga lang kung hanggang ngayon. Marami na kasing nagbago. Siguro sa oras na 'to, nag eenjoy siya dun. Actually, ayoko siyang makausap o maka-chat. Di ko alam kung anong sasabihin ko eh. Nagsinungaling nga siya bago siya umalis eh. At hindi pa kami in good term bago siya umalis. Madaming nangyari. Ayoko mang aminin, pero alam ko sa sarili ko na namimiss ko siya. Madami na rin kasi kaming pinagsamahan. 2 taon. Wish ko lang na safe at nag eenjoy siya dun. Kung kelan man siya babalik, 'di ko alam. 'Wag niya lang sana kami kalimutan.
PENGE PERA.
My peys.
Tuesday, April 5, 2011 @ 3:20 AM
I'm beautiful in my way,
'cause God makes no mistake.
I'm on the right track, baby.
I was born this way.
ART MADE ME CRY T_T
@ 3:13 AM
Blame him. BLAME HIM.
He just made me cry, in front of my laptop. That is so silly. TT_TT
Reason?
Well, at first inaway niya ako sa Grand Chase. YES. Inaway niya ko. Na- BV tuloy ako. My gad.
Nag log out na tuloy ako, because I was bad trip! Long explanation kung p'ano niya pinasama ang isang oras ng araw ko.
I posted on II-Diamond's wall, saying that Art is a worthless trash. That made him mad. HE STARTED IT!
Why should I feel guilty? Plus, he insulted my a-m-a. That is major taboo for me. Whenever someone mocks my family, my blood starts to rush in my brain. Goosebumps, everywhere. So yeah, I don't like it.
Then, syempre-- INAWAY KO RIN SIYA. Sa chat, LOLOLOLOL.
But a sudden mood na naeemote na kami dalawa. Talking about our tropa and blah blah blah. -- I CRIED.
Like, WTF? -sigh-
So anyway, tapos na. Pinabasa ko sa kanya blog ko and, naiyak din siya.
Wow. We are both drama queen and king. We are perfect for each other. --NO.
Dedicated to-- Art. Ang magikero wannabe. jk jk
March 18, 2011
Friday, March 18, 2011 @ 11:46 PM
I just realized, ang dami na palang nangyayari sa buhay ko nang hindi ko napapansin. Time sure flies, heh?
Nagsimula kaming mag-take ng final exam for this school year nung 16. Hanggang Monday kami maglolokohan ng sarili, mangopya dito, sitsit doon. 'Ni hindi nga ako pinawisan, ganon nalang tuloy ang kunsensya ko. Pero, alam mo, kahit minsan kailangan mo 'din gawin ang mga unnecessary moves, 'FOR YOUR OWN SAKE'. : P
But anyway, nagkayakagan kaming mga 'Best' sa lungga nina Kim, sa Palangue Tres. Ang layo, almost 20 minutos ang byahe gamit ang trycicle. Malaki at presko ang bahay nila Kim. Malaki laki 'rin ang lupa nila at 2 ang bahay. Isa ay aakalain mong mansion. Ay! 'Di pala, Malaking bahay lang na wala pang pintura. Nagtipid ata.
Malapit doon, ang isa pa nilang house. Hindi kalakihan at walang kisame. Taon na 'rin siguro ang tanda at marami ng namalagi, feel na feel ko ang presence ng pagiging bahay. Tipong bahay na marami ng pinagdaanan. Doon namin linagay ang mga bag namin. Unang pasok palang namin ay decided na ang unang gagawin-- ang kumain ng lunch. Nangungulo na kasi ang tiyan namin nina Art at Alwie kakahintay kina Grace, Jocelle, Shaira at Kim bago pa kami pumunta sa destination namin. Ba naman, kailangan pang kumuha ni Grace ng damit; maliligo daw kasi kaya ayun, umuwi pa sa bahay kaya sinamahan ng mga girls. Sinundo na'rin nila si Shaira, at kaklase kong tapat-bahay lang namin.
Dahil nga wala kaming kahit anong pagkain, at dahil nakakahiya namang makikain pa kina Kim gayung nakituloy na nga lang kami, napag desisyunan ng lahat ng bumili sa labas para bumili sa carinderia. 3 order ng Menudo, 2 order ng isda at isang order ng pancit ala alambre. Pinagtapun-taponan namin ang mga pera namin para lang magkaroon ng laman ang aming tiyan. Kahit na, ang iba sa'min ay wala talagang kahit anong delang pera, pamasahe lang talaga. Aba, sino ba namang matino ang gagala eh walang pera? Hah.
Nagsimula na kaming kumain kina Kim, sa bahay kung saan presko at tipong 'feel at home' ang feeling. Wala na kaming ka-poise poise kung kumain kaya naman ang iba ay nagkamay na. Kunsabagay, mas masarap nga naman kumain kapag nakakamay, lalo na pag gutom.
Said na ang kaldero pero 'di parin kami nakakaramdam ng kabusugan. Nakulangan ata. Binunton nalang namin ang oras namin sa pakikipag kwentuhan, at most especially, ang asaran. Sanay na ako sa ganito kaya naman 'di na rin ako masyado napipikon. At kung hindi naman chikahan ang feel namin, tamang picturan naman. Lahat na ata ng sulok ng lupa nina Kim ay may kuha kami. What is adik nga. 'di ba?
At naalala ko pa, nung natipuhan naming mag pose sa taas ng isang punong marami ang sanga, pababa na ay na at tinupak na naman si Art Chester John Awa. (Kinumpleto ko na para buong buo ang feelings.. ) Sukat ba namang alisin ang tsinelas ko sa paa nung pababa na ako? Aba, aba. So ineexpect mo na bumaba ako ng walang kahit ano sa paa? Err. So, as usual, pinagtawanan na naman ako. Di ko tuloy sinasadyang topakin na 'rin sa inis. Though, nawala na 'rin dahil ayoko namang mag stay na bad trip for the rest of the day, noh! Hays. Pinalipas ko na kahit na mainit init parin ang ulo ko. Nag sorry na naman si Art, kaya hinayaan ko nalang.
Makalipas ng ilang minutos ay natripan na namin ang talagang sadya namin-- ang maligo sa ilog. Kanya kanya naman kaming damit pampaligo maliban kay Alwie at Art na walang short, ayun tuloy at pinahiram ni Kim na ang kuya niya naman talaga ang may ari.Nagsimula kaming lumarga papunta sa ilog. Ang akala namin ay malapit lang, ay hindi pala. Lakad-takbo ang ginawa namin para lang makarating kami sa ilog. Magandang exercise nga kung tutuusin. At as usual, hindi nawala sa kamay ang camera ni Jocelle sa amin.
Nandoon na pala kami sa sinasabi ni Kim na ilog ey hindi na namin napansin. Sa gilid ng linalakaran namin, ayun ang sinasabi niyang ilog. Parang lawa ang dating sa'kin eh, maliit pero mukhang malinis at halatang puro ang tubig. Lumusob na kami at sinampay ang mga dala naming tuwalya sa isang yero na pang harang sa ilog. Malamig at ang lakas ng agos ng tubig sa ilog. Nakakaginhawa ang feeling, kahit na sa unang tingin ay parang ordinaryong ilog lang. Ang kaklase kong si Jocelle ay ilang beses ko ng nakitang nadulas, pero parang hindi man lang nasaktan at instead, mukhang inenjoy pa ang pagkakatemblang. Ako naman ay dahan dahan kung lumakad at kung maari ay humiga na lang para hindi matulad sa kanya. Walang humpay naman ang pagkuha ng picture, iba iba na namang ang pose, kung minsan pa eh pang cover girl ang dating.
Halos lahat kami ay nilalamig na. Nanginginig na nga ang iba at para naman kasing may halong yelo ang tubig doon sa sinasabing ilog. Napagdesisyunan naming lahat na bumalik na kina Kim para makapag shower at makapag palit ng damit. Nandoon na kami sa titnuturing naming hide out, at biglang binuksan ni Kim ang hose na parang gripo ang dating. Sabay sabay na kami naligo, kanya kanyan tutok sa hose. Mainit init din ang tubig dito kaya ganun nalang ang pag aagawan namin sa hose. Kami ni Jocelle ay nagbihis nalang at hindi na nag shampoo o kahit sabon man lang. Mas gusto kasi naming maligo nalang sa kanya-kanyang bahay. Ang ibang babae ay sa kabilang bahay naligo at mga lalaki naman ay naligo sa pinagbihisan namin ni Jocelle. Nagkaroon ng katatawanan ang pagligo ng mga lalaki, naglolokohan kasi sila gamit ang camera ni Jocelle. Pinipicturan nila ang kung sino man ang nasa loob ng cubicle, may butas kasi sa taas. Gamit ang isang silya ay sisilip si Alwie kay Art na nasa loob. Hindi tuloy matuloy-tuloy ang pagbibihis ni Art, dahil kung hindi, baka maging laughing stock siya ng barkada kapag nakita namin ang chubby niyang katawan. HAHAHA. Gantihan naman ang ginawa nila. Si Flloyd pa nga ay nabadtrip dahil nakuhanan siyang brief lang ang suot. Pero ganunpaman ay nagkaayos din sila ni Art, ang mastermind.
Di kalaunan ay tapos na ang lahat, dumating na 'rin ang ibang babae sa pinoproclaim naming hide out. Nanguha pala sila ng indian mango sa labas nung nagbibihis kami ni Jocelle. Tamang talop naman sila ng mangga, at ako namang kawawa, ay hindi marunong sa kutsilyo. Ayoko namang mapag iwanan at manood nalang sa kanilang kumain ng mangga, kaya naman napilitan akong magtalop para sa sarili-- kahit na ilang beses na ako muntik mahiwa. Supsop dito, kagat dito, nguya doon. Para kaming gutom na mga aso kung kumain, ni hindi na nga kami nahiya. Ang mesang pinagkakainan namin ay napakadumi na, punong puno pa ng mga butong napag ubusan na. Naka dalawa lang ako, ang iba sa tingin ko ay 3 o apat. Katakawan talaga nila. Kung marunong lang talaga ako magtalop eh baka ako na nakaubos ng basket na laman eh puro mangga.
Habang nagkakasiyahan ang lahat ay naging laughing stock naman si Jocelle. Lahat na ata ng katawa-tawa sa kanya ay minention ng lahat. Nabadtrip tuloy at nag walked out. Alam ko naman ang nafeel niya nung oras na 'yun. Lagi rin kasi akong pinagtatawanan ng tropa kapag nagmukha akong tanga sa mali ko. Kahit napala liit pa nun ay palalakihin pa nila, at paulit-ulit pa. Pareho pareho lang naman kaming mga pikon, pero gantihan lang naman sila kung mang-inis. Alam na alam ko ang ugali ni Jocelle, may good at bad side din tulad ng iba. Ang gusto ko sa kanya ay ang pagiging maintindihin niya, napaka galing pang observer. Kahit anong emotion ko ay nahuhulaan niya. Kahit ata pag galaw ng kilay ko ay alam niya ang ibig sabihin. Ang ayaw ko lang naman sa kanya, ay ang pagiging sabat niya. Minsan kasi, sa sobrang pagiging oberver niya, 'di niya maiwasan ang sumali sa usapan, kahit na wala naman siyang kinalaman. Aware naman siya sa ugali niyang 'yun, pero alam kong naiinis siya kapag tinutukso siyang "Banda Zabat" ng tropa.
Pagkatapos ng kainan, tamang kwentuhan naman kami sa sala. Higa sa sofa at kalikot sa gamit na makikita dun sa bahay. Ilang beses akong nainis kay Art, 'at ganun din naman ang pag sosorry niya sa'kin. Kahit ganun naman yun, masarap naman 'yung kausap. Ang sarap din dung mag share ng mga naranasan ko. Kahit kailan kasi, hindi siya nag judge ng tao base sa kwento ng isang tao. Kasama si Flloyd, tawanan kami ng tawanan. Kinalaunan ay feel ko ng matulog dahil kaantukan ko. Lamig kasi ng hangin at presko, kaya siguro kapag pumikit lang ako ng mga minuto ay dadalawin na ako ng antok. Umalis sina Alwie, at di ko alam kung saan. Pero nung dumating na siya, napag desisyunan ng lahat na umalis at magpaalam sa magulang ni Kim.
'Yung trycicle na ginamit namin papunta kina Kim ang ginamit din namin pauwi. Nagpaalam na kami sa mga kasama ni Kim sa bahay, at bumalik sa nakasanayang pwesto sa trycicle. Ang 3 maria ang nasa likod, si Alwie at si Jocelle ang nasa loob, ako at si Art angkas sa likod ng trycicle driver, at si Flloyd na nakasabit. Katulad ng pagpunta namin dun, matagal tagal din ang byahe. Kami ni Shaira ang unang bumaba, sa San Roque lang naman kasi kami nakatira. At pagkatapos nun ay nagpaalam na ako sa lahat.
Masaya ang naging karanasan ko ngayon. First time ko makarating kina Kim at first time ko rin maligo sa ilog. Masaya din ako dahil kasama ko ang lahat. Sana maulit uli 'toh, ang maligo sa ilog. Heeh. :)
Dedicated to Kim and Jocelle. :)
May kulang eh ..
Sunday, October 31, 2010 @ 12:27 AM
Hmm. Hindi ko maintindihan, pero para kasing may kulang sa buhay ko ngayon. Litong lito na ako pero alam ko may nawawala eh. Hindi kaya, ikaw? LOLjk. :))
Errr. May hinahanap ako, 'di ko alam kung sino, di ko rin alam kung ano. Bahala ni si Batman humanap! :))
His name is Alwie Torrente. He's my best friend since 1st year. I'm glad I have him, and I hope he's glad to have me too. He's a typical Spongebob lover, he has a collection of it. He's also a creative person, he's good at designing. He can be pretty annoying, but that's the way he is. He always tease me in front of everyone, the reason why I we always have some pointless fights. But I can't help it, for the second thought I just can't stay mad at him. He's my best friend, after all.
The confirmation of him being my best friend is ridiculous. One night, at Yahoo messenger, he began to approached my by saying 'hi'. Then, later on he asked me if I could be his best friend; and I said 'yes'. Then, that's it. At first I thought he was only kidding about it. The next day, I can sense his shyness towards me. So I called him and shouted 'BEST!'. Hahaha. Then, we talk and talk then at last we're finally close. LOL I know.
He's very out-going, and also loud. It's really fun being with him and the tropa. He's funny and a jolly person. Mawawala problema mo 'pag nand'yan siya. Tatawa ka lang kasi ng tatawa. You know that feeling?
The only problem I have in him, is that he always humiliate me in front of everybody. What I wear, what I do, what I say. I can be pretty hot-headed. Of course I will be annoyed, I hate being laugh at. : |
But no matter what, he's still my best friend. I can forgive him million times.
Dear best friend,
It's okay for me to lose to you, be the number one loser I don't care, but losing you would mean I lose my most precious friend.