I'd go back to December turn around and make it alright, I'd go back to December and change me own mind, I'd go back to December all the time..
Moosic





Profile

Hi. I'm Bhev. I blow my candles every 9th of October. 14 years young. A sophomore HS student. Typically typical.

Follow STFU_Bhev on Twitter

Clickies

My used-to-be blog
Peysbuk I
Peysbuk II
Twitter
Tumblr


tagboard & archives





Namumulubi
Saturday, April 9, 2011 @ 8:33 PM
Eto na ang kinakatakutan ko-- ang bakasyong walang pera. 'Di lang ako, pare-pareho lang kaming mga HS student ng problema. No allowance.

Akala mo ba masaya ang walang ginagawa? Bzzz! WRONG. Nakakatamad na ewan ang feeling ng walang ginagawa. BORING. Ang init sa pakiramdam, nakakabanas, nakakamatay. Bago pa magsimula ang Summer vacation ay pinalano ko ng lahat ng gagawin. Kayang kaya naman eh, kaso sa kabuuan may problema, ang pera. Kung kaya ko lang humingi ng kahit P100 araw araw sa lolo ko, pwede na sana. Kaso, kahit ata P20 eh ipagkakait pa. Sa ama ko naman, kahit barya eh utang na loob ko pa. Ay wag na. Wag nang humingi.

Na-stuck tuloy ako sa laptop ko na puro pag iinternet at Grand Chase ang laman. Ano pa nga ba ang pwede kong gawin? Kaso eto pang mga kasama sa ko bahay na akala ata eh ako lang ang teen ager sa mundo na maghapon sa computer. Hello!? Abnormal nalang ata at mga bisaya sa mundo ang walang interest sa computer. Lahat na ng gawain ngayon kailangan ng computer. Generation na namin 'to no. 'Wag niyo kami itulad sa inyo na pag susungka lang ata ang libangan nung kabataan niyo. Errr.

Pagkakagising ko sa umaga, sigaw agad ni Mama Mely ang maririnig. Kesyo ako daw ay senorita, ako daw ay walang ginagawa, ako daw ay tamad, ako daw ay ganito ganyan. OO NA! Totoo namang lahat, 'di ko na kailangan pang ideny. Pero sana naman, old geezer, 'wag naman sa oras ng pagkakagising ko. Binubulabog niyo ang diwa ko eh. Hindi ako morning people, 10am ako magising kung minsan pa eh tanghalian na, kaya intindihin niyo nalang. Pwede ba? Uma-umaga nalang naninirik na mata ko sa bad trip.

Dalawa sa kaibigan ko ang nasa ibang bansa ngayon. Si Jocelle na nasa Singapore at si Alwie na nasa U.S.
Babalik din si Jocelle dito sa Pinas, bakasyon lang naman ang pinunta niyo don kasama ang family niya. Nakakainggit naman. Buti pa siya maeenjoy niya ang Summer vacation, samantalang ako, eto sa lungga lang namin nag titigil at nagsasayang ng oras. Madami-dami siyang nakwento sa'kin tungkol sa Singapore. Ang ice cream daw dun ay square, halos lahat daw ng tao don ay touch screen ang cellphone, napakabilis daw ng internet at maraaami pang iba. Naisip ko tuloy, bakit kaya ang Pilipinas hindi ganun? Si Alwie naman na nasa U.S, taon pa ata ang balik. 1 year or maybe 5 years. Kung kinakalkal niyo blog ko, malalaman niyo na si Alwie ang pinaka special kong kaibigan. Ewan ko nga lang kung hanggang ngayon. Marami na kasing nagbago. Siguro sa oras na 'to, nag eenjoy siya dun. Actually, ayoko siyang makausap o maka-chat. Di ko alam kung anong sasabihin ko eh. Nagsinungaling nga siya bago siya umalis eh. At hindi pa kami in good term bago siya umalis. Madaming nangyari. Ayoko mang aminin, pero alam ko sa sarili ko na namimiss ko siya. Madami na rin kasi kaming pinagsamahan. 2 taon. Wish ko lang na safe at nag eenjoy siya dun. Kung kelan man siya babalik, 'di ko alam. 'Wag niya lang sana kami kalimutan.

PENGE PERA.